Marriage

Ano ang Maitutulong mo Bilang Asawa sa Panahong Nakakaranas ng Depresyon ang Iyong Kabiyak?

Hindi biro ang depresyon. Kahit na sinong nakaramdam nito ay makakapagpatunay ng hirap na dinaranas ng taong dinadapuan ng kondisyong ito. Sa ganitong pagkakataon, mahirap kumilos at parang ang dilim dilim ng mundo. Yung pakiramdam na mag-isa ka at parang wala kang ibang kasama. Ngunit gaano man kahirap ang sitwasyong ito, mayroon ka pa ring magagawa bilang asawa para mapagaan ang kalooban ng iyong kabiyak.

Anu ano ang pwede mong gawin?

  1. MAKINIG KA – Minsan, ang kailangan lang ng taong dumaranas ng depresyon ay isang taong makikinig sa kanya. Hindi mo kailangang sumabat, magsalita, o magbigay ng payo. Pakinggan mo lang ang bawat sinasabi niya. Makakatulong ito para gumaan ang pakiramdam niya.
  2. HUWAG MO SIYANG HUHUSGAHAN – Pang-unawa ang pangunahing kailangan ng taong dumaranas ng depresyon. Kung huhusgahan mo lang din siya, huwag mo nalang siyang kakausapin dahil makakadagdag lang ‘yun sa bigat ng nararamdaman niya. Hindi makakatulong ang mga salitang nag-iinarte ka lang” o “nababaliw ka na”.
  3. IPARAMDAM MONG LAGI KANG NANDYAN PARA SA KANYA – Ngayon ang panahong kailangang kailangan ka ng iyong asawa. Pakiramdam niya ay mag-isa siya at walang karamay.
  4. HUWAG MO SIYANG SUSUKUAN – Kahit na hindi mo na maintindihan ang mga nangyayari at kahit gulong gulo ka na sa sitwasyon, huwag mong susukuan ang asawa mo. Ikaw nalang ang tanging taong masasandalan niya.
  5. IPARAMDAM MO KUNG GAANO MO SIYA KAMAHAL – Sa panahong walang ibang masandalan ang asawa mo at kahit sarili niya ay hindi niya na mahal, ipakita mong mahal mo siya. Ang simpleng pagluluto ng pagkain para sa kanya o pag-aasikaso sa kanya ay napakalaking bagay na.
  6. TULUNGAN MO SIYA SA PAG-AALAGA NG MGA ANAK NINYO AT SA PAGGAWA NG MGA GAWAING-BAHAY – Ang taong may depresyon ay walang ganang kumilos at gustong laging nakahiga at ayaw bumangon. Sa mga panahong ganito, magkusa ka nang mag-alaga sa mga anak ninyo at gumawa ng mga gawaing-bahay.
  7. YAYAIN MO SIYANG LUMABAS – Kailangan niya ng sariwang hangin at “break” mula sa araw-araw na gawain. Kailangan niyang huminga para maibalik ang dati niyang sigla.
  8. YAYAIN MO SIYANG MAGSIMBA – Abg pinaka-kailangan ng isang taong may depresyon ay ang patnubay ng Panginoon. Kailangan niyang linangin ang ispiritwal na aspeto ng kanyang buhay para manumbalik ang kanyang lakas at para maalis an lungkot na nararamdaman niya.

Mahirap kalaban ang depresyon. Sa panahong ito, hindi makapag-isip nang maayos ang isang tao at puro lungkot at kawalang-pag-asa lang ang nararamdaman niya. Kaya bilang asawa, may magagawa ka para mapaglabanan ng kabiyak mo ang pinagdadaanan niya. Sa tulong mo at sa tulong ng Diyos, mas magiging madali na malampasan ang depresyon.

Photo credits: https://obssr.od.nih.gov/understanding-the-cross-national-disparity-in-depression-a-comparison-of-china-and-russia/

3 thoughts on “Ano ang Maitutulong mo Bilang Asawa sa Panahong Nakakaranas ng Depresyon ang Iyong Kabiyak?”

  1. Thankyou Mommy Va. Very Helpful po ito knowing na until now Nakakaranas ako ng Post partum. I will suggest this and have a note para alam ng asawa ko ang gagawin pagnadedepressed ulit ako. 😘😘 Godbless po.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.