
Breastfed babies are said to be one of the most clingy people on the planet. Mas clingy pa ba sa’yo o sa boyfriend o asawa mo? Opo! š Sila yung tipo na sa sobrang pagka-clingy nila, parang gusto na nilang i-glue ang nipple ni mommy sa bibig nila.
How did I say so?
Imagine a newborn breastfed baby. Pagkalabas palang sa sinapupunan ni mommy, dedede na yan. Well, at first, di pa yan masyadong sanay but after some time, mape-perfect na niya ang proper latching. And kapag nangyari yun? Ay! Goodluck nalang po kay mommy at baby. Maghapon-magdamag wala na silang ibang gagawin kundi ang magkargahan at magdede-an forever! ššš Pero huwag magpa-panic, part lang po yan ng paglaki ng bata. Lilipas din yan š
Habang lumalaki si baby, pagkalipas ng mga ilang buwan, dyan na magsisimula ang totoong laban (Giyera lang ang peg di po ba? Dahil para kang sasabak sa labanan š) Diyan na magsisimula ang mga challenging part ng pagiging breastfeeding mommy at dyan na makikita kung gaano talaga ka clingy si baby.
Kung si Kuya Germs may linyang “Walang Tulugan!”, ang mga mommy rin ay iaadopt yan pati na rin ang linyang “WALANG LIGUAN!” HAHAHA! Hindi ka makakaligo dahil ang gusto ni baby lagi ka lang nasa tabi niya. Ma-swerte ka kung may kasama ka sa bahay para ipakarga siya. Pag okay sakanya, makakaligo ka pero singbilis lang ng mga kamao ni Pacman sa boxing ring. Kaso, pano kapag ayaw niya sa kakarga sakanya? “Naku po! Naloko na! (Mike Enriquez voice)” š Kung hindi ka makakaligo maghapon, ang ending nyan sasama siya sa banyo. At pagpasok nyo sa banyo, pag nakita nya ang dede mo, dedede na naman siya. HAHAHA
Pagdating naman sa oras ng kainan, syempre si mommy kakain na kasi madalas siya magutom kapag nagpapa-breastfeed siya. Nakahain na lahat at susubo na. Ayan na.. Ayan na.. Dahan dahan siyang kakain pero maya maya, naku po! Gising na agad si jogets! Ano ang ending? Ay ang galing mo po manghula. “Yup yup yup, still padede session! (Nanay Nunal voice)” So habang kumakain si mommy, si baby nakapasak ang bibig sa nipple ni mommy.
Kapag maglilinis naman ng bahay,asahan mo nakasunod na yan si chikiting. Tipong ayaw kang pakilusin dahil ang gusto niya lagi ka niyang kasama. So ano na? Siyempre wala ka na namang magagawa. š O kaya kung makapaglinis ka naman, panigurado ikakalat niya lahat ng niligpit mo. ššš
Dahil sa pagka-clingy ng mga breastfed babies, minsan nahihirapan kumilos si mommy. Pati pag-jebs at pag-ihi pigil na pigil yan. Kulang na nga lang magka-UTI si mommy sa kakapigil e. HAHA!
Ilan lang yan sa mga scenario na nagpapakita kung gaano ka-clingy ang breastfed babies.
Wait, bago niyo po kami i-judge na nagrereklamo kami, hindi po š Aaminin po namin na hindi madali ang magpasuso ng bata pero nag-eenjoy po kami sa bawat yugto ng breastfeeding journey namin. Ang mga ganitong sitwasyon ay bibihirang pagkakataon na dapat sulitin dahil minsan lang sila bata. At pag sila’y tumanda, mamimiss namin ang mga sandaling ganito pero may kasamang ngiti at tuwa. ā¤ā¤ā¤
(credits to rightful owner of photo)