Maraming ina ang nagdadalawang-isip na magpasuso sa kanilang anak kapag may sakit sila sa pangamba na baka maipasa sa bata ang sakit sa pamamagitan ng gatas.
Ayon sa pag-aaral, mas mainam na magpasuso kapag ang ina ay may sakit katulad ng lagnat, ubo, sipon, trangkaso o anumang “simpleng” sakit. Sa ganitong pagkakataon, kailangan lamang sabihan ang doktor na nagpapasuso upang mabigyan ng gamot na “compatible” sa pagpapasuso.
Kapag mayroong sakit na nakakahawa ang ina tulad halimbawa ng ubo o sipon, ang bata ay na-expose na sa sakit bago pa man malaman na may sakit siya. Hindi maipapasa sa gatas ang sakit. Sa halip ay mayroon itong taglay na “antibodies” na makakatulong upang maiwasang magkasakit ang bata o kung magkasakit man ay hindi kasing tindi o kasing lala ng sa kanyang ina. Maaari ring maiwasan ang pagkahawa ng bata sa pamamagitan ng paghuhugas lagi ng kamay, pag-iwas na bumahing o umubo sa harapan ng sanggol, at sa pag-iwas sa “face-to-face contact”.
TIP: Ugaliing i-check sa “e-lactancia.org” ang generic na pangalan ng mga gamot bago inumin upang malaman kung compatible ito sa breastfeeding
Hello po meron po kasing Primary Koch’s infection si baby. May tendency po ba na mahawa ako. Dahil breastfeeding po ako
LikeLike
Tanong ko lang po pwede ko pa po bang padidihin ung anak KO 3weeks ko na po siya inawat sa breastfeeding ,ngayon naawa po ako sa Kanya kasi d pa sapat ung kinakain nya para mabusog siya mag 3yrs old na po siya ngayon feb, puro breastfeeding po siya never po siya nag formula since baby siya
LikeLike
Thanks po nabasa ko po ang ang artikulo mo. Kaya hindi na ako nag aalala. Nakatulong talaga siya ng sobra❤️ thanks po Ate Van.
LikeLike