Breastfeeding

Bakit Hindi Pwedeng Basta Uminom Ng Gamot Ang Isang Nagpapasusong Ina?

Photo by Tatiana Syrikova on Pexels.com

Maraming breastfeeding moms ang nagse-self medicate sa tuwing makakaranas sila ng simpleng sakit tulad ng lagnat, ubo, o sipon. Madalas ay hindi sila nagtatanong kung mayroon ba itong masamang epekto sa kanila o sa kanilang anak na sumususo.

Ang pag-inom ng gamot nang basta basta habang nagpapasuso ay hindi pinahihintulutan dahil sa pangamba na maaari itong makaapekto sa bata (pwedeng magkaroon ng reaction) o di kaya naman ay sa ina (maaaring humina o huminto ang gatas).

(Click slide show for example of medicines that are compatible for breastfeeding moms)

Kapag nagkakaroon ng sakit ang ina na mas malala kaysa sa karaniwang ubo, sipon o lagnat, mayroong mga gamot na inirereseta at sinasabihan ang ina na ipagpaliban o di kaya ay ihinto ang pagpapasuso. Kahit na mayroong mga gamot na bawal talaga sa mga breastfeeding moms, karamihan naman ay compatible sa pagpapasuso at ang mga ipinagbabawal naman ay mayroong mga alternatibo (kellymom.com)

Para malaman kung pwede sa breastfeeding ang gamot, tingnan muna ang generic name o active ingredients ng gamot sa “e-lactancia.org” bago ito inumin. Kapag nakitang hindi ito safe, magtanong ng alternatibong gamot sa doktor. (Tingnan ang ilang halimbawa sa mga larawan sa ibaba)Tandaan na ang pagse-self medicate sa pangkalahatan ay hindi wasto dahil hindi pare-pareho ang pangangatawan ng lahat ng tao. Maaaring sa isa ay umubra pero maaaring sa iba ay hindi umepekto. Humingi ng tulong sa mga propesyonal bago uminom ng kahit na ano.

7 thoughts on “Bakit Hindi Pwedeng Basta Uminom Ng Gamot Ang Isang Nagpapasusong Ina?”

  1. Ako madalas sumasakit ung ulo biogesic lang ung madalas ko po iniinom bwal dw ung ibang gamot lalo n angpapasuso po ako kay baby ,siguro dhil maapektuhan ung baby kung skali iinom ng gamot wlang resita ang doctor kya mas mabuti nlang po huminge ng resita sa doctor,,

    Like

  2. Totoo po yan. Ang wife ko, lahat ng iinumin nya, ask nya agad sa pedia ng babies namin kung safe pag breastfeeding. Paracetamol lang and hypertension meds ang pwede nya inumin without consulting. Other than those, ask nya muna.

    Like

  3. So true,dapat talaga consult muna tayo sa mga medical professionals bago mag take Ng Kung Anu anung gamot habang nagpapasuso para maiwasan Ang anumang side effects or any reactions na maaring mangyari.Thank you for sharing this tips Mommy Van.

    Like

  4. Thanks for sharing mommy van.. Guilty talaga ko dito, basta na lang ako umiinom ng gamot pag may nararamdaman ako kahit nagpapa breastfeed ako.. Kaya pala minsan sinasabi ng anak ko.. “Mama wala gatas!” 😅 ngayon alam ko na. 😊👌

    Like

  5. Ako hindi rin ako basta basta umiinom ng gamot kahit nung buntis ako even now na breastfeed ako kasi nakakatakot..Kaya nag ask ako sa ob ko if anong gamot ang pwde 😊 at ni search ko din yan e-lactancia.orig 😁

    Like

  6. Ako din po takot ako uminom Basta Basta Ng mga gamot
    .lage kong tanong pwd ba to sken Kasi breastfeed ako . Hindi ba to makaksama sa baby ko Kasi baka mainom Nia din .. madami po akong tanong bago uminom Ng gamot .. hanggang sa dko nlng po iniinom tiis ko nlng ung sakit po.. Kasi natatakot ako sa maggiging impact sa baby ko ..
    Thanks for sharing this momsh van ☺️☺️

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.