Breastfeeding

What To Do When Baby Bites Your Nipple

It is a common problem for breastfeeding moms how to deal with a biting baby. Kahit sinong nanay ata dumadaan sa yugto na kinakagat sila ng anak nila. Oo, sobrang sakit. Mas masakit pa sa naranasan mo nung mag-break kayo ng jowa mo. Hahaha!

Kidding aside, nipple-biting is a serious concern for breastfeeding moms because it oftentimes becomes a reason to force-wean a baby.

So, what do we do when our loving baby bites us?
● Huwag mag-rereact kapag kinagat ka sa unang pagkakataon. Kapag nag-react ka, aakalain niya na okay lang ang ginawa niya at biro lang.
● Sabihan ang bata na huwag mangangagat at ihinto muna ang pagpapasuso para alam niya na mali ang ginawa niya. Kahit baby lang sila, naiintindihan nila ang sinasabi ni mommy. Kailangang huwag ngingiti at tingnan sa mata kapag pinagsasabihan si baby ha? Kahit na di mo mapigilang ngumiti sa sobrang cute nila, pigilan mo.
● Huwag sisigawan si baby kapag kinagat ka. Kapag ganito ang sitwasyon, maaaring matakot ang bata at hindi na sumuso sa’yo.
● Kapag kinagat ka at ayaw talagang bitawan, isubsob ng bahagya ang mukha ng bata sa suso para bumitaw siya.
● Maaari ring ipasok ang hinliliit sa gilid ng bibig ni baby hanggang sa bumitaw siya sa pagsuso.

Kapag nasugatan naman ang nipple, lagyan lamang ng breastmilk at i-air dry. Dahil si baby ang nakasugat sa nipple, laway lang din ni baby ang makakapagpagaling sa sugat.

Kapag lumala ang sugat o nagkanana, ipatingin agad sa doktor para maresetahan ng tamang gamot o cream na pamahid para agarang gumaling ang sugat.

Masakit talaga ang makagat at iyan ay pinagdadaanan ng lahat. Mahabang pasensya at sakripisyo lang talaga ang kailangan para malampasan ang yugtong ito ng pagpapasuso sa bata. Sana huwag tayong huminto sa pagpapasuso dahil kinakagat tayo ni baby. May mga paraan naman para maiwasan ito at kung mangyari man ay mayroon namang solusyon dito.

4 thoughts on “What To Do When Baby Bites Your Nipple”

  1. True mommy van,pag kinakagat ako ni baby pinapasok ko Yung hinliliit ko sa gilid Ng bibig ni baby,ayun bibitawan na Niya agad.Minsan Naman napapasigaw ako Ng malakas sa sobrang sakit hahaha pero ok Lang Basta mabubusog ko Yung anak ko.

    Like

  2. Thanks for sharing mommy van, 😊💕 super relate talaga ko😅 napapalo ko tuloy, 😅 pero mahina lang naman! 😅 ginagawa ko dahan dahan ko tinatanggal nipple ko lalo pag nakatulugan ng anak ko tapos kagat kagat. 😅😭

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.