Motherhood

Ano ang Growth Spurts o Developmental Spurts?

Photo by Jonathan Borba on Pexels.com

Ang growth spurt ay yugto kung kailan ang isang sanggol ay mas madalas sumuso sa kanyang ina (singdalas ng kada oras) at madalas ay iyakin at gustong laging nakakarga. Madalas, sa panahong ito, nakakaramdam ang ina na parang hindi nabubusog ang anak niya dahil panay panay ang pagsuso nito.

Sa mga exclusively breastfed babies, lumalakas ang kanilang pagsuso sa mga unang linggo pagkatapos maisilang at nagiging halos parehas na sa loob ng isa o hanggang anim na buwan. Kapag nagsimula ng kumain ang sanggol, unti unti ay mababawasan na ang kanyang pagsuso.

Ang madalas na pagsuso ay maaari ring pagdaanan ng isang sanggol sa tuwing mayroon siyang bagong “milestone” katulad halimbawa ng pagdapa, paggapang, paglakad, at pagsasalita.

Kailan ba nagkakaroon ng growth spurt ang isang bata?*
● 7-10 araw pagkasilang
● 2-3 linggo
● 4-6 linggo
● 3 buwan
● 4 buwan
● 6 buwan
● 9 buwan
*Ang panahon na maaaring magkaroon ng growth spurt ay iba iba sa bawat bata.

Ano ang maaaring gawin kapag may growth spurt ang bata?
Sa panahong ito, kailangan mong ibigay ang gusto ng bata. Pasusuhin siya nang pasusuhin dahil ito ay panahon din upang ang supply ng iyong gatas ay lumakas. Laging tatandaan na ang paglakas ng gatas ay nakabase sa LAW OF SUPPLY AND DEMAND. Mas malakas sumuso ang bata, mas dadami ang iyong gatas.

Pakiramdaman din ang iyong katawan, inay. Dahil sa panahong ito, maaaring mas makaramdam ka ng gutom at uhaw kaya kumain at uminom ng tubig nang madalas.

Ang growth spurt ay lumilipas din. Ito ay tumatagal ng 2 hanggang 3 araw at kung minsan naman ay isang linggo o mahigit pa.

Kung ang iyong anak ay nagiging iritable at madalas sumuso, isaalang-alang ang growth spurt ngunit huwag ding ipagsawalang-bahala ang iba pang posibilidad katulad halimbawa ng kabag o di kaya naman ay kung may iba pang di pangkaraniwang sintomas na nakikita sa bata. Kung sa tingin mo ay hindi lang growth spurt ang nararanasan ng iyong anak, mas mainam pa rin na kumonsulta sa doktor. Sundin ang iyong “instinct” bilang isang ina.

2 thoughts on “Ano ang Growth Spurts o Developmental Spurts?”

  1. ah totoo po ito,,hehe yung anak ko tuwing nakikita ako naiiyak sa tuwa haha kasi dedeng dede na sa akin ,,thankful na may gatas pa din ako kahit na working mom ako 1 year old & 1 month na baby ko, minsan may ugali siya na gusto lagi karga,,lagi dede,, ginagawa niya pacifier dede ko.. kakatuwa haha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.