
Sabi nila, normal daw sa mga mag-asawa ang mag-away o magtampuhan. Ito pa nga raw ang nakakapagpatibay ng samahan kaya tumatagal sila.
Pero ano nga ba ang karaniwang dahilan kung bakit nag-aaway ang mga mag-asawa?
- PRIDE – Ito ang isa sa mga madalas talagang pag-awayan ng mga mag-asawa. Masyadong ma-pride at hindi marunong magpakumbaba kaya naman lalong lumalaki ang problema.
- SUMBATAN – Madalas itong pag-ugatan ng away lalo na kapag inungkat ang mga dati pang ginawa. Kapag inumpisahan ng isa na manumbat, siguradong manunumbat pabalik ang isa kaya lumalaki ang away.
- BISYO – Mapa-inom, sugal, barkada o mobile games man ‘yan, malaki ang epekto nyan sa pagsasama ng mag-asawa. Marami na akong narinig na kwento ng mag-asawa na madalas mag-away dahil naadik sa mobile games, sugal, inom o barkada ang asawa nila.
- PERA – Sabihin man na hindi maganda o huwag pag-awayan ang pera, hindi maiiwasang maging ugat ito ng pag-aaway lalo na kapag hirap sa pinansyal na aspeto ang mag-asawa.
- THIRD PARTY – Ito talaga ang madalas na pag-ugatan ng away ng mag-asawa. Kapag isa sa inyo ang nangaliwa o nagloko, asahan mo nang magkakalamat ang relasyon ninyo.
- SUSTENTO SA KANYA-KANYANG PAMILYA – Merong mga mag-asawa na nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil sa usapang sustento. Minsan kasi magkaiba ang stand ng bawat isa tungkol sa pagbibigay ng sa bawat side.
- DIFFERENCES – Hindi maiaalis na magkaiba ang pananaw ng bawat isa pagdating sa iba’t ibang bagay. Kadalasan, nagiging dahilan ito ng away.
- CLOSED LINE OF COMMUNICATION – Maraming mag-asawa ang nag-aaway dahil dito. Hindi sila open sa isa’t isa kaya naman lumalaki lalo ang problema. Hindi napag-uusapan ang mga bagay bagay kaya naman nagkakapatong-patong at hindi nasosolusyonan.
- SELOS – Meron talagang mga asawa na seloso o selosa. Tipong konting bagay lang e pinagseselosan kaya naman hindi maiwasan na magkaroon ng away.
- GAWAING-BAHAY – Pinag-aawayan din ito ng mga mag-asawa lalo na kapag yung isa ang nagtatrabaho at yung isa ay nasa bahay. Para sa iba, dahil sila ang nagtatrabaho, ayaw na nilang gumawa ng mga gawaing-bahay. Para naman sa nasa bahay, kailangan siyang tulungan ng asawa niya dahil mas maraming gawain sa bahay kaysa sa trabaho.
Ano ang pwedeng gawin para mabawasan ang away mag-asawa?
- Babaan ang pride – Wala namang mawawala kung aalisin natin ang pride natin sa katawan. Hindi naman kawalan kung hihingi tayo ng tawad sa mga bagay na nagawa natin. Wala namang masamang mag-sorry kung para naman sa ikakaayos ng problema.
- Iwasang magsumbatan – Bilang mag-asawa, may kanya kanya kayong ambag para sa pamilya. Hindi mo pwedeng sabihin na ikaw lang ang may ginagawa at ikaw lang ang nakakatulong. Dahil pareho kayong merong ginagawa at pareho kayong may ambag.
- Ilagay sa lugar ang barkada, inom, mobile games, at sugal – Tandaan na kapag nag-desisyon kang magkapamilya, pamilya na ang priority mo at hindi ang kung ano pa man. Pwede namang lumabas minsan kasama ang barkada pero huwag namang aabot sa punto na uumagahin ka. Pwede namang mag mobile games pero limitahan lang para may oras pa rin sa pamilya. Sa usapang sugal naman, sa totoo lang hindi talaga maganda ang epekto ng sugal kaya kung pwedeng alisin, alisin nalang.
- Hanggat kaya, iwasang mag-away dahil sa pera. Pag-usapan ng mabuti ang tungkol sa paghandle ng pera. Kung maaari, mag-ipon para may madukot sa oras ng pangangailangan. Mag-invest o mag-business din para lumago ang pera. Matutong i-identify kung ano ang needs versus wants. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang pagbubudget at hindi na hahantong pa sa pag-aaway dahil sa pera.
- Maging tapat sa asawa – Isa sa mga mahahalagang sangkap para maging maayos ang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagiging faithful. Nasa 10 commandments na bawal makiapid kaya dapat ay alam ito ng bawat isa.
- Mag-set ng boundaries kung hanggang saan at kung hanggang magkano lang ang pwedeng isuporta. – Kagaya ng nabanggit ko, kapag nagdesisyon kang mag-asawa, ang pamilyang binuo mo na ang magiging priority mo. Kaya kailangan niyong maunawaan na secondary nalang ang kanya-kanya ninyong pamilya.
- Pag-usapan at isettle ang differences – Kagaya ng nasabi ko, hindi maiiwasan na magkaroon ng differences ang bawat isa. Ang key dito ay pag-usapan ang mga bagay bagay para maunawaan ang gusto at ayaw ng bawat isa.
- Maging open sa isa’t isa – Bilang mag-asawa, makakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng open line of communication. Sabi nga, walang problemang hindi nadadaan sa magandang usapan.
- I-assure ang asawa na siya lang para mabawasan ang pagseselos – Hindi maiiwasang magduda at magselos lalo na kapag mayroon nang trust issues ang isang tao. Ang magandang gawin ay iassure ang asawa na siya lang ang mahal mo. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikakaselos niya at iwasan mo na rin ang mga bagay na alam mong magiging dahilan para magselos siya.
- Pagtulungan ninyo ang mga gawaing-bahay – Laging tandaan na ang gawaing-bahay ay dapat na pinagtutulungan. Hindi porke ang isa lang ang nagtatrabaho ay nangangahulugan nang yung isa lang ang gagawa ng mga gawaing-bahay. Kailangan pa ring magtulungan para mas mabilis matapos ang mga gawain.
Normal naman talaga sa mag-asawa ang magkaroon ng hidwaan o tampuhan pero mayroon namang mga paraan para ito ay maiwasan at magawan ng paraan. Nawa ay mayroon kayong napulot at natutunan.
I may not have a family of my own yet but I do have a longtime partner and these definitely are some of the issues we face daily. thank you the tips, most especially the reminder to always hear and listen to my partner.
LikeLike
Honestly, mabuti na lang din at hindi pa kami sobrang nag-aaway ng todo ng wife ko. Siguro kasi medyo marunong kami pareho lunukin ang pride namin. Other than that, wala naman kami bisyo and contented kami sa house lang most of the time.
LikeLike
Mapride ako kaya most of the time, our disagreement is not settled immediately. Ika nga, sabi nila pag fire ang isa, dapat water ang kabila. Buti, my wife is such a very understanding and humble, kaya we always find the time to talk what cause the discussion (lol) and after that ok na.
LikeLike
Kadalasan un inom ng alak ang pinag aawayan namin kasi gabi gabi nlng inom ng alak kahit siya lang mag isa nag iinom kadalasan nasosobrahan siya ng inom ng alak
LikeLike
Same here, alak at barkada sobra makisama, ang alam kasi nia andyan ka lang sa tabi at sya ggwin nia ang gusto nia.. Kahit madalas nuo ng pinag aawayan puro pangako lang na magbabago tapos pag nasa harap na ng alak limot na lahat ng pinangako nia.. Twing nagagalit ako parang ako ang lumalabas na kontrabida at d nakakaunawa.. Paulit ulit nalang nakakapagod na..
LikeLike