
Sa isang mag-asawa, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng away at ang dahilan minsan ay ang pagiging pasaway ni mister.
Anu-ano nga ba ang pwedeng gawin ni mister para hindi na magalit si misis?
1. Magpaalam ka kapag mayroon kang pupuntahan, hindi yung basta basta ka nalang nawawala.
2. Tumulong ka sa mga gawaing bahay. Maraming lalaki ang ayaw kumilos sa bahay lalo na kapag sila lang ang nagta-trabaho. Be considerate. Marunong din mapagod si misis.
3. Magbigay ka ng “QUALITY TIME” sa kanya at sa mga anak ninyo. Kahit gaano ka pa ka-busy, dapat may oras ka pa rin para sa pamilya. At hindi lang basta oras, dapat oras na kapaki-pakinabang. Yung nakatuon talaga sa kanila ang oras mo, hindi sa kung anu anong online games o bisyo.
4. Limitahan ang oras sa barkada. Okay lang naman ang mag hang-out paminsan-minsan pero huwag namang gawing bisyo. Tandaan mo, kapag nag-asawa ka, pamilya na dapat ang inuuna.
5. Matuto kang magtanong ng “Kamusta ka?”. Ang simpleng pangangamusta ay napakalaking bagay na. Sa ganitong paraan, malalaman ng misis mo na meron kang “care” sakanya, hindi yung deadmakels ka.
6. Appreciate her. Pumapalakpak ang tenga ng mga misis kapag alam nilang naaappreciate ang efforts nila. Bukod sa sumasaya sila, natatanggal din ang pagod nila.
7. Be a good provider. Gawin mo ang best mo para maibigay ang pangangailangan ng misis at mga anak mo.
8. Be faithful and don’t lie. Huwag ka nang lalandi ng ibang babae, magkasama man kayo o hindi. Huwag din magsisinungaling dahil ang mga babae, bago pa yan magtanong, siguradong may alam na yan.
9. Bigyan ng oras si misis na makapag-relax at makapagpahinga. Tandaan mo na ang duty ng isang nanay at asawa ay 24/7. Walang day off at wala ring sahod. Kaya ang kaunting oras para makapagpahinga ay napakalaking tulong na para manatili siyang masaya, malusog, at matino.
10. Be responsible. Wow! Big word! Tama ba? Pero ito talaga sa pangkalahatan ang unang dahilan para hindi magalit si misis. Kapag responsable ang asawa sa lahat ng aspeto, magiging masaya ang maybahay at ito’y walang duda.
Walang perpektong asawa, mapa-lalake man o babae. Pero pwede namang pag-aralan ang mga bagay bagay para ang relasyon ay maging matatag at matibay.
Hindi lang din lalake ang dapat na gumagawa ng paraan. Kailangan two-way yan. Kailangang mag-adjust din ang babae para sa ikaaayos ng relasyon.
Kapag isa lang ang kikilos, walang mangyayari kaya dapat magtulungan sa lahat ng bagay.
Very biased naman ito. joke lang. . Seriously, I believed that family and marriage to work, should be a concerted effort of the Mom and Dad. I am happily married for 29 years and counting. My wife and I had a share of quarrels and disagreements, but in the end, pagmahal mo talaga, mahal mo, no ifs and no buts. mahal mo eh.
LikeLike