Motherhood

Complementary Feeding Guidelines

AYAW MO BANG LUMAKING PIHIKAN SA PAGKAIN ANG BABY MO? KUNG OO, BASAHIN MO ‘TO…

“COMPLEMENTARY FEEDING GUIDELINES”

♧ Pagpatak ng 6th month ni baby o kapag ready na siyang kumain ng solids, pwede na niyang kainin ang lahat ng gulay sa bahay kubo MALIBAN SA MANI. Anumang gulay na hindi nabanggit sa bahay kubo ay pwede na rin niyang kainin katulad ng ampalaya, malunggay, talbos ng kamote, etc. Hindi nirerekomenda ang mani dahil mataas ang allergen nito. Ibig sabihin, malaki ang chance na magka-allergy si baby dito.

♧ Ang pagkain naman ng APPLE o iba pang prutas na tumutubo lang sa ibang bansa ay inirerekomendang kainin kapag 5years old na. Ito ay dahil nilalagyan ito ng chemical para mapanatiling fresh kahit abutin pa ng 3-5 araw bago ito dumating dito sa atin.

♧ LOCALLY GROWN FRUITS ang inirerekomendang ipakain sa mga bata o yung mga pagkain na dito lang sa atin tumutubo. Halimbawa ay avocado, saging, mangga, at iba pa. “Avocado by the way is a great first food because it is a brain food”

♧ Ang kanin ay pwede na sa 6months and above.

♧ MASHED ang inirerekomendang gawin sa pagkain at HINDI PUREE. Dapat kasi ay may texture ang pagkain para matuto si baby na ngumuya. Ang pagnguya ay paghahanda rin sa pagsasalita ng bata.

♧ HINDI INIREREKOMENDA ang anumang pampalasa tulad ng asin, toyo, vetsin, at iba pa kapag wala pang isang taon ang bata. Ito ay dahil mahihirapan ang kidneys niya na salain ang sobrang alat.

♧ HINDI INIREREKOMENDA ang asukal kapag wala pang 1 year old ang bata dahil mas tataas ang chance ng pagkakaroon niya ng diabetes.

♧ Ang karne, isda, at itlog ay dine-delay HANGGANG 2YEARS OLD dahil mahirap tunawin ang karne at mataas naman ang allergen ng itlog. Kung gustong pakainin ng itlog ang batang wala pang 2years old, ang ibigay lang ay ang egg yolk dahil mataas ang allergen ng egg white.

♧ Ang mga processed food, ready to eat food o instant food ay hindi inirerekomendang kainin.

♧ Ang biscuit at mga ready-to-eat food ay itinuturing na junk food dahil sa mataas na sugar content at preservatives.

♧ NO HONEY below 1 year old dahil sa pangamba ng infant botulism, isang delikadong sakit na maaaring ikapahamak ng mga bata

SOURCE: BREASTFEEDING PINAYS

DISCLAIMER:
This is just a guide. Kayo pa rin ang masusunod pagdating sa mga anak ninyo. “YOUR CHILD, YOUR RULES” 😊

For recipes on complementary feeding, you can join Breastfeeding Pinays and Healthy Baby Food Ideas Philippines. 😊

7 thoughts on “Complementary Feeding Guidelines”

  1. Wow😮 Ganun pala… Gor my 2nd baby ngayon ko lng nalaman na hindi pa pala pwede c bunso ko ng apple😌😌😌 anyways, thank you po Mommy Van, may natutunan nanaman po ako from you po💖

    Like

  2. S totoo lang po kung ako lang ant masusunod gus2 ko po n masunod yang tamang pagpapakain n yan s anak ko,kaso po hindi.. ang hirap dn tlga tumira pag malapit k s bianan mo,yong tipong hindi mo sya pwede basta-basta sawayin pag pinapakain ang anak m ng mga pagkain na ndi p dapat nya kainin,kasi po para s kanila kaartehan dw un tas nasasabihan p ako n napakaselan ko s anak,kasura po s totoo lang,ndi b pwd n iniingatan mo lang ung anak m? tas pag sinakit naman ung anak m ikaw n ina ang mas nahihirapan ang kalooban,ung maisip m p lang ung mga injection sobrang sakit n non s part ng isang ina s totoo lng. Kung ganun lng tlga kadali lumipat ng tirahan ginawa ko na..

    Like

  3. Thank you po Mommv Van, Ngayon ko lang po nalaman na bawal po pala ang Honey,may angkop na edad po pala ang pag papainom nito lalo na’t kung kinakailangan. Noted po lahat and Thank you po ulit. GODBLESS YOU MORE. MOMMY VAN..

    Like

  4. Thank you po momsh sa pagshare nito .. sa baby ko nung nag-6mos sya pure breastfeed lng po tlga . After 1yr tsaka Po sya kumain Ng cerelac po .tapos ngaun po more on gulay at kanin na po sya na dinurog .hirap Kasi syang lumunok gawa Ng sakit Nia ..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.