Marriage

Ano Ang Pwede Mong Gawin Kapag Toyoin Ang Misis Mo?

Photo by Andrea Piacquadio on Pexels.com

Madalas na masabihan ang mga babae o misis in particular ng salitang “toyoin”, “sumpungin”, “topakin” at kung anu ano pa.

This refers to sudden shift in emotions. ‘Yung tipong masaya naman ngayon pero maya-maya ay masungit na o kaya galit.

Pero sa totoo lang, ako personally, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako sinusumpong ng toyo. Siguro dahil sa sobrang dami ng iniisip o sa hormonal changes na rin? Madalas akong ganito kapag malapit na ang menstruation eh so yeah, maybe I’ll attribute it to hormonal changes. LOL!

But seriously speaking, hindi man alam ng maraming kababaihan kung bakit sila toyoin, siguradong may dahilan ang pagbabago ng emosyon.

Una na dyan ang problema especially financially. Anyone na problemado sa pera lalo na kapag kulang ang budget para sa pamilya ay magiging mainitin talaga ang ulo.

Ikalawa, kapag medyo pasaway ang mister. Syempre kahit naman sino, kapag pinasasakit ang ulo ng mister ay magiging magagalitin din.

Ikatlo, kapag hindi nakakaramdam ng appreciation. Syempre naman every wife needs appreciation kahit pa sabihin na “matic” na ‘yun o hindi na kailangan. Ang masabihan ng “salamat” o matanong ng “kumusta ka?” ay napakalaking bagay na.

Ilan lang ‘yan sa mga dahilan kung bakit pwedeng magtoyo ang isang babae. Pero gaano man katoyoin, syempre may paraan ‘yan kung paano mababawasan. Ito ang mga pwede ninyong gawin bilang mister:

1. Kumustahin mo ang misis mo – Pwedeng physically ay nakikita mong okay siya dahil mukhang kaya naman niya lahat ng mga ginagawa niya. But then, there’s a possibility na hindi siya okay emotionally so find time to ask kung kumusta siya.

2. Show appreciation – I-appreciate mo ang ginagawa ng misis mo para sa pamilya ninyo. Pwede mong sabihin na maganda siya, masarap ang luto niya, na thankful ka sa mga ginagawa niya. A little compliment goes a long way.

3. Find time to date her – Minsan we get caught up with too much responsibilities kaya nakakalimutan na nating bigyan ng time ang mga asawa natin. As a result, parang tumatabang ang pagsasama at nawawalan ng spark. Mag-date kayo paminsan-minsan — hindi man sa labas pero pwede naman sa loob ng bahay.

4. Try to understand her – Kagaya ng sinabi ko, minsan talaga hindi rin maintindihan ng ibang babae kung bakit sila nagtotoyo. In times like this, pakihabaan ang pasensiya hanggat kaya. Wala naman kasing babae na gugustuhing magpaiba-iba ang emosyon niya.

5. Pray for your wife – Ito ang best na gawin para ma-guide at ma-stabilize ang emotions ng asawa mo. Prayers really work.

Gaano man katoyoin ang misis mo, siguradong mas marami siyang magandang traits kaysa dyan. Pagpasensiyahan na lang muna para maging maayos ang inyong pagsasama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.