“Haplos Ng Ina”

Marahil halos lahat sa atin ay narinig na ang katagang “haplos ng isang ina”. Ang haplos ay isang uri ng “bonding” o “connection” sa pagitan ng isang ina at kanyang anak na mayroong magandang epekto sa paglaki ng bata. Ang haplos o “massage” ay nakakatulong din sa blood circulation.
And as a mom, napatunayan ko na nang makailang ulit ang magandang epekto nito sa tuwing magkakasakit ang mga anak ko lalo na kapag panahon ng tag-lamig.
Maliban sa pagpapainom ng gamot sa kanila, nakita ko na napaka-powerful ng “haplos” dahil mas nagiging maayos ang pakiramdam nila sa tuwing magkakasakit sila.
Ang kaagapay ko sa bagay na ‘yan ay ang IPI Aceite De Manzanilla. Bilang isang siguristang ina, syempre gusto ko na maging maayos ang kalagayan ng mga anak ko at kailangang maaasahan ang produktong gagamitin ko.

Noon pa man, gamit na gamit na ito ng mga ilaw ng tahanan. Sa katunayan, ilang henerasyon na ang nagpatunay ng effectiveness nito. Kahit ang nanay ko ay ginagamitan ako ng IPI Aceite De Manzanilla noong bata pa ako lalo na kapag mayroon akong kabag.
Ngayong ako naman ang naging nanay, ginagawa ko rin ito sa aking dalawang anak. Pero ngayon, hindi nalang sa kabag kundi pati na rin para guminhawa ang pakiramdam nila sa tuwing magkakaroon sila ng lagnat, ubo, at sipon na kadalasang naglalabasan kapag malamig ang panahon.
Noon, hirap na hirap ako sa tuwing makakaranas sila ng sintomas na maihahalintulad sa trangkaso. Ang unang ginagawa ko ay dinadala ko sila sa doktor para maresetahan ng gamot. Pero dahil naituro sa akin ni mama ang tungkol sa IPI Aceite De Manzanilla, ginagamit ko na rin ito sa mga anak ko. Surprisingly, mayroong magandang epekto sa tuwing ima-massage ko sila gamit ito.

“MYTH vs. FACT”
Mayroon akong nabasang trending na post dati na nakakapagdulot di umano ng pneumonia ang aceite de manzanilla sa mga bata. Kahit sa mga groups kung saan ako kabilang, mayroong mga nanay na hindi inirerekomenda ang paggamit nito dahil nasisipsip daw ng katawan ng mga bata ang manzanilla na siyang nagdudulot ng pulmonya.
Pero kung magsasaliksik lang tayo nang maigi, malalamam natin na hindi naman talaga sanhi ng pulmonya ang manzanilla.
Ang katotohanan ay mayroong dalawang (2) klase ng pneumonia – – – Bacterial Pneumonia at Viral Pneumonia.
Ang Bacterial Pneumonia ay sanhi ng mapanganib na bakterya. Ang mga taong mayroon nito ay nakakaranas ng sintomas katulad ng mataas na lagnat, mabilis na paghinga, at ubo. Ginagamot ito sa pamamagitan ng antibiotics kung saan ang mga sintomas ay humuhupa sa loob ng 12 hanggang 36 oras.
Ang Viral Pneumonia naman ay sanhi ng virus katulad ng flu o influenza. Ang mga tinatamaan naman nito ay nakakaranas ng sintomas katulad ng sa trangkaso – – – pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, sipon, ubo, panghihina, kawalan ng gana sa pagkain, panginginig, at lagnat. Ang ganitong uri ng pneumonia ay hindi nagagamot ng antibiotics pero maaaring magreseta ng antiviral medications ang doktor para maiwasan ang pagkalat sa ibang bahagi ng katawan.
Ang Bacterial Pneumonia at Viral Pneumonia ay maaaring magdulot ng pag-ubo ng ilang linggo kahit pa mawala ang lagnat ng taong tinamaan nito. Ang mga sintomas ay pwedeng lumala maliban na lamang kung bibigyan ng agarang atensyong medikal.
Ang IPI Aceite De Manzanilla ay hindi nagdudulot ng pneumonia. Isa pa, ang bawat bata ay may iba’t ibang uri ng balat at may kanya-kanyang skin sensitivity.
Ngayong alam na natin ang katotohanan tungkol sa kung ano ang totoong sanhi ng pneumonia, sana ay mas maging maingat tayo sa mga impormasyon na ating ipinapakalat.

At katulad ko, pwede rin kayong gumamit ng IPI Aceite De Manzanilla sa mga anak ninyo hindi lang para sa kabag kung hindi pati na rin sa mga sintomas katulad ng lagnat, ubo, at sipon. Sa tamang paggamit at tamang dami ng IPI Aceite De Manzanilla, magiging epektibo ito para maibsan ang mga sintomas na nabanggit. Maglagay lang ng 2 to 3 drops sa palad at pagkatapos ay imasahe sa parte ng katawan. Pwede itong ilagay 3 to 4 times a day. Ang recommended na edad para sa mga bata ay mula 3 months pataas.
Pwede ninyong mabili ang IPI Aceite De Manzanilla sa Shopee at Lazada:
Shopee: https://bit.ly/3iwB4OM
Lazada: https://bit.ly/3zrvOTD

Kayo, ano ang ginagawa ninyo para masiguradong ligtas ang pamilya ninyo lalo na kapag tag-lamig?
#AskDocADM