
I don’t know kung ako lang ang ganito o meron akong katulad sa inyo.
Mula nang maging nanay ako, parang ang dami-daming nagbago sa pagkatao ko. Para bang nagkaroon ng total transformation — both positive and negative.
Anu ano nga ba ang nagbago sa akin positively?
- Mas nagkaroon ako ng drive, motivation, at purpose sa buhay
- Mas nagkaroon ako ng sense of direction
- Mas naging matatag ako sa buhay
- Mas humaba ang pasensiya ko
- Mas naging maunawain ako
- Mas naging matured ako
- Mas naunawaan ko ang sakripisyo ng nanay ko
Ano naman ang mga nagbago sa akin negatively?
- Naging mainitin ang ulo ko na tipong dumarating sa punto na kahit maliit na bagay ay nagagalit ako. Siguro dala ng pagod at stress.
- Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Minsan hinahanap ko ‘yung dating ako dahil parang ibang-iba na talaga ako.
- Hindi na ako makapagsuklay ng buhok madalas. Tipong pagkatapos kong maligo e magtatali na agad ang buhok. No wonder laging sumasakit ang ulo ko.
- Yung pagligo ko hindi na kasing tagal ng dati. Kung dati-rati nakaka-30 minutes ako kada maligo, ngayon maswerte nang maka-10 minutes.
- Hindi ko na magawa ang lahat ng gusto ko. Syempre pamilyado na ako kaya hindi na pwedeng magkilos dalaga.
Kung susumahin, mas marami at mas matindi ang positive changes kaysa sa mga negative. Yung mga positive, panghabambuhay nang tatatak at mananalaytay yan sa pagkatao ko. Pero yung mga negative, kayang kaya pang gawan ng paraan ‘yan at kasama lang yan sa tinatawag natin na “phase” ng pagiging isang ina. Sabi nga nila, “lumilipas din ‘yan”.
Hindi natin talaga maiaalis yung mga pagbabago once na mag-asawa tayo. Talagang meron at merong magbabago. Nasa sa atin nalang kung magpapadala tayo sa mga negative o mas mangingibabaw yung positive changes. Nasa kung saan din tayo magfo-focus. Basta ang key dito ay pag-aralan nating enjoyin ang bawat araw at bawat yugto ng ating pagiging nanay. Ang mahalaga, yakapin natin ang lahat ng pagbabago, mapa-positibo man o negatibo.
Pwede po sya mahawaan kung ano man po sakit na meron tayo☺️
LikeLike
Marami po simula ng naging nanay ako
Natuto akong magising ng maaga
Magluto
Maghanapbuhay
Marami pa po mga bagay na nabago
LikeLiked by 1 person
true po yan mommy, daming pagbabago nung naging mommy napo ako. naging selfless na ko.
LikeLiked by 1 person
True po bilang isang nanay marami po tlaga nabago sa pag uugaliko like *gumising po ng maaga
*Natuto po ako magluto
*Naglalaba
*Lahat po ng gawaing bahay ako po gumagawa
Ultimo pamamalingke ginagawa ko din po kahit may baby ako maliit hindi po madali maging isang nanay.
LikeLike
Looking to start my own family in about 5 years or so and seeing posts like this definitely helps prepare my mindset. kudos to all mothers.
LikeLike
Pareho po tayo. Palitan lang ang word na “nanay” ng “tatay”. Basically, na-experience ko din yang changes na yan.
LikeLike