Motherhood

Ang Daming Nag-iba Nang Maging Nanay Ako

Photo by NIKOLAY OSMACHKO on Pexels.com

I don’t know kung ako lang ang ganito o meron akong katulad sa inyo.

Mula nang maging nanay ako, parang ang dami-daming nagbago sa pagkatao ko. Para bang nagkaroon ng total transformation — both positive and negative.

Anu ano nga ba ang nagbago sa akin positively?

  • Mas nagkaroon ako ng drive, motivation, at purpose sa buhay
  • Mas nagkaroon ako ng sense of direction
  • Mas naging matatag ako sa buhay
  • Mas humaba ang pasensiya ko
  • Mas naging maunawain ako
  • Mas naging matured ako
  • Mas naunawaan ko ang sakripisyo ng nanay ko

Ano naman ang mga nagbago sa akin negatively?

  • Naging mainitin ang ulo ko na tipong dumarating sa punto na kahit maliit na bagay ay nagagalit ako. Siguro dala ng pagod at stress.
  • Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Minsan hinahanap ko ‘yung dating ako dahil parang ibang-iba na talaga ako.
  • Hindi na ako makapagsuklay ng buhok madalas. Tipong pagkatapos kong maligo e magtatali na agad ang buhok. No wonder laging sumasakit ang ulo ko.
  • Yung pagligo ko hindi na kasing tagal ng dati. Kung dati-rati nakaka-30 minutes ako kada maligo, ngayon maswerte nang maka-10 minutes.
  • Hindi ko na magawa ang lahat ng gusto ko. Syempre pamilyado na ako kaya hindi na pwedeng magkilos dalaga.

Kung susumahin, mas marami at mas matindi ang positive changes kaysa sa mga negative. Yung mga positive, panghabambuhay nang tatatak at mananalaytay yan sa pagkatao ko. Pero yung mga negative, kayang kaya pang gawan ng paraan ‘yan at kasama lang yan sa tinatawag natin na “phase” ng pagiging isang ina. Sabi nga nila, “lumilipas din ‘yan”.

Hindi natin talaga maiaalis yung mga pagbabago once na mag-asawa tayo. Talagang meron at merong magbabago. Nasa sa atin nalang kung magpapadala tayo sa mga negative o mas mangingibabaw yung positive changes. Nasa kung saan din tayo magfo-focus. Basta ang key dito ay pag-aralan nating enjoyin ang bawat araw at bawat yugto ng ating pagiging nanay. Ang mahalaga, yakapin natin ang lahat ng pagbabago, mapa-positibo man o negatibo.

6 thoughts on “Ang Daming Nag-iba Nang Maging Nanay Ako”

  1. True po bilang isang nanay marami po tlaga nabago sa pag uugaliko like *gumising po ng maaga
    *Natuto po ako magluto
    *Naglalaba
    *Lahat po ng gawaing bahay ako po gumagawa
    Ultimo pamamalingke ginagawa ko din po kahit may baby ako maliit hindi po madali maging isang nanay.

    Like

Leave a Reply to Ivan Jose Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.