Ang paglungad ng sanggol ay madalas na ikinababahala ng mga magulang. Hindi nila alam kung normal nga ba ito o kung dapat na itong ipag-alala.
Paano natin malalaman kung lungad ba yun o suka?
Ang lungad ay gatas na kusang lumalabas sa bibig nila. Hindi katulad ng lungad, ang suka naman ay mayroong pwersa at kadalasan ay patalsik kung lumabas.
Ano ang maaaring maging dahilan ng madalas na paglungad ng isang sanggol?
● Immature na Digestive System – Dahil hindi pa fully-developed ang panunaw, may tendency na bumalik ang anumang pagkain na kinonsumo nila. Ang digestive system ay kadalasang nagmamature sa ika 6 na buwan ng sanggol. Ito rin ang dahilan kung bakit pagpatak pa ng 6 months inirerekomendang pakainin.
● Masyadong agresibo si baby sa pagsuso – Kapag masyadong mabilis sumuso si baby, may tendency na mas mabilis mapuno ang tiyan niya kaya naman posibleng maglungad siya.
● Kapag masyadong distracted si baby o fussy sa suso – Kapag ganito si baby, may tendency na makalunok siya ng hangin kaya pwede itong maging dahilan ng paglulungad.
Dapat bang mag-alala kapag napapadalas ang paglungad ni baby?
Kung “Happy Spitter” si baby — nadadagdagan ang timbang ng maayos, lumulungad nang hindi nakikitaan ng pagkabalisa, at masayahin naman o masigla sa lahat ng pagkakataon, hindi ito dapat ipag-alala.
Ano ang dapat gawin kapag madalas lumungad si baby?
● Padighayin siya sa kalagitnaan at pagkatapos ng pagsuso. Tandaan na kahit dumighay si baby, hindi nangangahulugan na hindi na siya maglulungad. Walang kinalaman ang paglulungad sa pagdighay. Ginagawa ang pagpapadighay para mailabas ang nalunok na hangin habang sumususo at para maiwasan din ang pagsusuka.
● Maghintay ng at least 30 minutes bago siya ihiga para hindi agad bumalik ang gatas. Posible pa ring maglungad siya kahit gawin ito dahil sa immature na digestive system.
● Kapag lumulungad siya, ipatagilid at hintaying lumabas ang lungad sa gilid ng bibig. Huwag agad itatayo dahil baka bumalik ang gatas at mapunta sa baga (magkatabi lang kasi ang daanan ng pagkain at daanan ng hangin). Maaaring maging sanhi ng aspiration ang ganitong pangyayari.
Paano kapag lumabas sa ilong ang lungad?
Huwag matatakot kapag lumabas ang lungad sa ilong. Hindi ito delikado dahil lumabas na. Ang delikado ay kapag bumalik at naligaw ng daan kagaya ng unang nabanggit. Kapag lumabas sa ilong ang lungad, ipatagilid si baby at hintaying lumabas sa gilid ng bibig ang gatas.
Kailan dapat mag-alala?
Normal ang lungad sa pangkalahatan pero kapag sobrang dalas na at nakikitaan na si baby ng mga hindi pangkaraniwang sintomas tulad ng panunuyo ng labi at sobrang lubog na bumbunan (maaaring senyales ng dehydration), biglang pagbaba ng timbang, pagiging matamlay, pagkabalisa, at madalas na pagsusuka, kumonsulta na sa doktor. Ang madalas na pagsusuka ng isang sanggol ay maaaring sanhi ng medikal na kondisyon o di kaya ay posibleng mayroong acid reflux si baby. Para maiwasan ang pagsusuka, ugaliing padighayin si baby, siguraduhing tama ang pagsuso niya, at iwasang maalog siya pagkatapos sumuso.
Source: Breastfeeding Pinays
Hi po ask ko lang, si baby kasi madalas lumungad minsan naman po sumusuka siya mag 1 month plang po si baby dapat ko po ba ikabahal yun? Salamat po
LikeLike
Salamat po sa info, Paano po kaya kung hindi madalas lumungad si baby?
LikeLike
hi mga momshie…ang baby ko mag 2 months pa lng lately sumusuka sya ng madame halos lahat ng send nya inilabas nya…cgro nga dahil sa hnd sya naka dighay at pinapahiga ko sya agad…tapos may isa pang case ako na ikinababahala pag pinainom sya ng vitamins susuka nya tlga…pano po gawin ko mga momshie.?
LikeLike
1month si baby madalas lumungad
LikeLike
Thank you po sa pagshare nio at pagbinigay kaalaman tungkol sa breast feed..
Is a rin po akong breast feeding mom..
LikeLike
Hello po first time mom po ako
and breast feeding mom also tanong ko lang po ano pong pwede kong gawin yung right side of my breast po kasi mas malaki kaysa sa left side.
Thanks po sana po matulungan nyo po ako.
LikeLike
Hello po ask ko lang po madalas pong kinakabag ang baby ko , 1 month pa lang po sya mahigit normal lang po ba yun ? Paano po ito maiiwasan . Salamat po
LikeLike
Safe po ba kung tinatapik ang likod pag nasasamid? Baby ko kase madalas nasasamid. Mag 2mos plng sya… Now i know na kapag lulungad,papatagilirin muna. Tinatayo ko kasi agad. 😔
LikeLike
Ask lng po ung baby ko po kc kpg dumudumi my mga itim na maliliit anu po kya un sobrang dme kc worried po kc ko..
LikeLike
Ganyan din po baby ko, madalas po xa lumungad at sumuka.pano po yun kapag nilunok nya ulit ang lumabas sa bibig nya?
LikeLike
Hi po. More than 1 year old na po baby girl ko pro naglulungad pa dn po sya. Normal po ba yun? Dpat po ba akong mg alala o hndi? Thank you po.
LikeLike
Hello po, 6 weeks palang po baby ko. Pero after feeding ilang beses po sya lumulungad at marami pa po. Normal lang po ba yon?
LikeLike